WHAT'S NEW?
Loading...

MAGPABAKUNA VS RABIES l Lalaki, todas sa kagat ng asong-gala


EL SALVADOR CITY, Misamis Oriental – Isang lalaki mula sa bayan ng Doyogon sa lungsod ang namatay nitong nakaraang linggo matapos kagatin ng gumagalang aso ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes.
 
Ayon sa ulat ni Inspector Arthur Saquiran ng El Salvador City police, nangyari ang insidente dalawang linggo na ang nakararaan pero nakuha lamang nila ang detalye nitong Martes.
 
Kinilala ni Saquiran ang biktma sa pangalang Macatol.
 
Sinabi ng opisyal na hinabol ng isang asong-gala ang biktima saka ito kinagat sa binti. Ngunit, nag-lock ang panga ng aso kaya hindi kagad nakawala ang biktima mula sa pagkakagat.
 
Idinagdag pa ni Saquiran na kinakailangan pang pugutan ng ulo ang aso ng mga rumespondeng kapitbahay upang makahulagpos si Macatol.
 
“Nilagyan ng mga kapitbahay ang binti ni Macatol ng ilang natural na pampagaling ngunit hindi ito umubra,” ayon kay Saquiran.
 
Namatay si Macatol noong nakaraang linggo na may locked jaw at senyales na may impeksiyon ng rabies ang biktima, ayon kay Saquiran.
 
Ayon naman kay Dr. Benjie Rasma, provincial veterinarian sa Misamis Oriental, maaaring namatay ang isang tao sa loob ng 15 araw matapos itong makagat ng asong-gala o anumang hayop.
 
Isa ang Pilipinas sa nangungunang 10 bansa na may problema sa rabies sa mundo. Responsable ang rabies sa pagkamatay ng 200 hanggang 300 Filipino kada taon. Nitong 2010, umabot sa 257 ang namatay sanhi ng rabies, at nitong 201, nakapagtala ng 202 pagkamatay.
 
Base sa ulat, higit sa ikatlong ng pagkamatay sanhi ng rabies ang mga batang may edad 15 anyos pababa. Tumataas ang bilang ng kagat ng hayop sa bansa sa loob ng limang taon.
 
Umabot sa 328,459 katao nitong 2011 at 266,220 indibidwal naman nitong 2010 ang nakagat ng hayop. Mahigit sa kalahati nito ang nakagat dito ang mga mag-aaral. Nananatiling aso ang pangunahig sanhi ng pagkagat ng hayop at kaso ng rabies.
Ang Bicol region na may 26 kaso ng rabies noong 2011 ang siyang pinakamataas sa lahat ng rehiyon. Nakapagtala naman ang Bukidnon ng 13 kaso, pinakamataas sa lahat ng lalawigan sa buong bansa. (Salin ni Ernie Reyes, InterAksyon.com)

0 comments:

Post a Comment